Verbum Dei Philippines
  • Home
  • Watch + Listen
  • Read
    • News
    • Feature Stories
    • Community Updates
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Center of Formation (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
  • Home
  • Watch + Listen
  • Read
    • News
    • Feature Stories
    • Community Updates
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Center of Formation (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
Search by typing & pressing enter

YOUR CART

1/4/2021 0 Comments

Enero 4, 2021

​Mateo 4, 12-17. 23-25
Lunes kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon

Noong panahong iyon, 
nabalitaan ni Hesus na ibinilanggo si Juan, 
kaya’t bumalik siya sa Galilea. 
Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan kundi sa Capernaum. 
Ang bayang ito’y nasa baybayin ng Lawa ng Galilea, 
sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali.
 Sa gayo’y natupad ang sinabi ni propeta Isaias:

“Ang lupain ng Zabulon at lupain ng Neftali –
daanan sa gawing dagat sa ibayo ng Jordan, 
Galilea ng mga Hentil!
Itong bayang nag-apuhap sa gitna ng kadiliman
sa wakas ay nakakita ng maningning niyang ilaw!
Liwanag na taglay nito’y siya ngayong tumalanglaw
sa lahat ng nalugami sa lilim ng kamatayan!”

Magmula noon ay nangaral na si Hesus. 
Ang sabi niya, 
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan,
 sapagkat malapit nang maghari ang Diyos.”

Nilibot ni Hesus ang buong Galilea. 
Nagtuturo sa mga sinagoga 
at ipinangangaral ang Mabuting Balita
 tungkol sa paghahari ng Diyos. 
Pinagaling din niya ang mga tao sa kanilang mga sakit 
at karamdaman. 
Siya’y nabantog sa buong Siria 
kaya’t dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit 
at mga pinahihirapan ng iba’t ibang karamdaman: 
mga inaalihan ng mga demonyo, mga himatayin, mga paralitiko. 
Silang lahat ay kanyang pinagaling. 
At sinundan siya ng napakaraming tao 
buhat sa Galilea, Decapolis, Jerusalem, Judea, 
at maging sa ibayo ng Jordan.
Preacher: Luisa Valenzuela
0 Comments

1/1/2021 0 Comments

Enero 1, 2020

​Lucas 2: 16-21
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos

Noong panahong iyon: 
Nagmamadali ang mga pastol na lumakad 
patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, 
at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 
Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel 
tungkol sa sanggol na ito; 
at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. 
Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito 
at kanyang pinagbulay-bulay. 
Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos 
at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan 
dahil sa lahat ng narinig nila 
at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Pagdating ng ikawalong araw 
ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – 
ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
Preacher: Lyn Geron
0 Comments
Forward>>

    Tagalog Daily Shots

    Ang inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos.

    Archives

    September 2021
    March 2021
    February 2021
    January 2021
    December 2020
    November 2020
    October 2020
    September 2020
    August 2020

    Categories

    All

    RSS Feed

Picture
Vertical Divider

Subscribe for updates

© 2026.  Verbum Dei Philippines.