Verbum Dei Philippines
  • Home
  • Watch + Listen
  • Read
    • News
    • Feature Stories
    • Community Updates
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Center of Formation (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
  • Home
  • Watch + Listen
  • Read
    • News
    • Feature Stories
    • Community Updates
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Center of Formation (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
Search by typing & pressing enter

YOUR CART

3/3/2021 0 Comments

Marso 3, 2021

​Mateo 20: 17-28
Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Noong panahong iyon,
 nang nasa daan na si Hesus patungong Jerusalem, 
ibinukod niya ang Labindalawa.
 Sinabi niya sa kanila, 
“Aakyat tayo sa Jerusalem. 
Doo’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote 
at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. 
Hahatulan siya ng kamatayan, 
at ibibigay sa mga Hentil. 
Siya’y tutuyain, hahagupitin 
at ipapako sa krus; 
ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw.”

Lumapit kay Hesus ang asawa ni Zebedeo, 
kasama ang kanyang mga anak. 
May ibig siyang hilingin, 
kaya’t lumuhod siya sa harapan ni Hesus. 
“Ano ang ibig mo?” tanong ni Hesus.
 Sumagot siya, 
“Sana’y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak 
na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo 
sa inyong kaharian – isa sa kanan at isa sa kaliwa.”
 “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,”
 sabi ni Hesus sa kanila. 
“Makakainom ba kayo sa kopa ng hirap ko?”
 “Opo”, tugon nila. 
Sinabi ni Hesus, 
“Ang kopa ng hirap ko ay maiinom nga ninyo. 
Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya 
kung sino ang mauupo sa aking kanan 
at sa aking kaliwa. 
Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama.”

Nang marinig ito ng sampung alagad, 
nagalit sila sa magkapatid. 
Kaya’t pinalapit sila ni Hesus at sinabi sa kanila, 
“Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil 
ay naghahari sa kanila, at ang mga 
dinadakila ang siyang nasusunod. 
Ngunit hindi ganyan ang dapat na umiral sa inyo. 
Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig 
maging dakila ay dapat maging lingkod. 
Ang sinumang ibig maging pinuno 
ay dapat maging alipin ninyo, 
tulad ng Anak ng Tao na naparito, 
hindi upang paglingkuran 
kundi upang maglingkod 
at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.”
Preacher: Rudy Esmeralda
0 Comments

3/1/2021 0 Comments

Marso 1, 2021

Lucas 6: 36-38
Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Noong panahong iyon, 
sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: 
“Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.
Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan ng Diyos. 
Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos.
​Magpatawad kayo sa inyong kapwa, 
at patatawarin kayo ng Diyos. 
Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: 
hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa 
ang ibibigay sa inyo. 
Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo 
sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo.”
Preacher: Cristina Desilos
0 Comments

    Tagalog Daily Shots

    Ang inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos.

    Archives

    September 2021
    March 2021
    February 2021
    January 2021
    December 2020
    November 2020
    October 2020
    September 2020
    August 2020

    Categories

    All

    RSS Feed

Picture
Vertical Divider

Subscribe for updates

© 2025.  Verbum Dei Philippines.