Verbum Dei Philippines
  • Home
  • Watch + Listen
  • Pray + Reflect
  • News & Events
    • News
    • Events
  • Locations
    • Communities >
      • Pasig City
      • Pandacan, Manila
      • Quezon City
      • Tagaytay City
      • Cebu City
      • Cagayan de Oro City
    • Centers >
      • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
      • Verbum Dei Apostolate Center (Pasig City)
      • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
  • Home
  • Watch + Listen
  • Pray + Reflect
  • News & Events
    • News
    • Events
  • Locations
    • Communities >
      • Pasig City
      • Pandacan, Manila
      • Quezon City
      • Tagaytay City
      • Cebu City
      • Cagayan de Oro City
    • Centers >
      • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
      • Verbum Dei Apostolate Center (Pasig City)
      • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
Search by typing & pressing enter

YOUR CART

9/30/2020 0 Comments

Setyembre 30, 2020

​Lucas 9: 57-62
Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan
Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon,
samantalang naglalakad sina Hesus
at ang kanyang mga alagad,
may taong nagsabi kay Hesus, 
“Susunod po ako sa inyo kahit saan.”
Sumagot si Hesus,
 “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, 
ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang
matulugan o mapagpahingahan.” 
Sinabi ni Hesus sa isa, 
“Sumunod ka sa akin.” 
Ngunit sumagot ang tao, 
“Panginoon, hayaan po muna ninyo akong
 umuwi upang ipalibing ang akin ama.” 
Sinabi ni Hesus sa kanya, 
“Ipaubaya mo na sa mga patay ang 
paglilibing ng kanilang mga patay. 
Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang 
tungkol sa paghahari ng Diyos.” 
Sinabi naman ng isa, 
“Susunod po ako sa inyo, Panginoon, 
ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.”
Sinabi sa kanya ni Hesus, 
“Ang sinumang nag-aararo
at palaging  lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.”
Preacher: Sr. Rita Rodriguez
0 Comments

9/28/2020 0 Comments

Setyembre 28, 2020

Lucas 9:46-50
Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, 
nagtalu-talo ang mga alagad kung sino 
sa kanila ang pinakadakila. 
Batid ni Hesus ang kanilang iniisip, 
kaya’t tinawag niya ang isang maliit na bata 
at pinatayo sa tabi niya.
 At sinabi niya sa kanila, 
“Ang sinumang tumatanggap sa batang ito 
alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin;
 at sinumang tumatanggap sa akin 
at tumatanggap sa nagsugo sa akin. 
Ang pinakaaba sa inyong lahat ay siyang pinakadakila.”

Sinabi ni Juan, 
“Guro, nakita po namin ang isang taong nagpapalayas 
ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan ninyo. 
Pinagbawalan namin siya sapagkat siya’y hindi natin kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, 
“Huwag ninyo siyang pagbawalan; 
sapagkat ang hindi laban sa atin ay kapanig natin.”


Sinabi ni Juan, 
“Guro, nakita po namin ang isang 
taong nagpapalayas ng mga demonyo 
sa pamamagitan ng pangalan ninyo. 
Pinagbawalan namin siya sapagkat 
siya’y hindi natin kasamahan.”
 Ngunit sinabi ni Hesus, 
“Huwag ninyo siyang pagbawalan; 
sapagkat ang hindi laban sa atin ay kapanig natin.”

Preacher: Bro. Jojo David
0 Comments

9/25/2020 0 Comments

Setyembre 25, 2020

Lucas 9: 18-22
Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Isang araw, 
samantalang nananalanging mag-isa si Hesus,
lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. 
Tinanong niya sila, 
“Sino raw ako ayon sa mga tao?”
Sumagot sila, 
“Ang sabi po ng ilay ay si Juan Bautista kayo;
sabi naman ng iba, 
si Elias kayo, 
at may nagsasabi pang nabuhay ang isa sa mga propeta noong una.” “Kayo naman, 
ano ang sabi ninyo?”
 tanong niya sa kanila. 
“Ang Mesiyas ng Diyos!”
 sagot ni Pedro.

Itinagubilin ni Hesus sa kanyang mga alagad 
na huwag na nilang sasabihin ito kaninuman. 
At sinabi pa niya sa kanila, 
“Ang Anak ng Tao’y dapat magbata ng maraming hirap. 
Itatakwil siya ng matatanda ng bayan,
ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. 
Ipapapatay nila siya, 
ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.”​
Preacher: Maribel Viernes
0 Comments

9/23/2020 0 Comments

Setyembre 23, 2020

Lucas 9: 1-6
Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, Pari

Miyerkules ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, 
tinawag ni Hesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan 
at kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo
at magpagaling ng mga karamdaman. 
At sinugo niya sila upang ipahayag ang paghahari ng diyos 
at magpagaling ng mga maysakit. 
Sila’y pinagbilinan niya: 
“Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong paglalakbay kahit tungkod, 
supot, tinapay, salapi o bihisan. 
Makituloy kayo sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, 
at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. 
At sakaling hindi kayo tanggapin, 
umalis kayo roon, 
at ipagpag ninyo ang alikabok ng 
inyong mga paa bilang babala sa kanila.”
 Kaya’t humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon, 
na ipinangangaral ang Mabuting Balita 
at nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako.​
Preacher: Gina Abar​y
0 Comments

9/21/2020 0 Comments

Setyembre 21, 2020

Mateo 9: 9-13
Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita


Noong panahong iyon,
umalis si Hesus at sa kanyang paglakad,
nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo:
nakaupo ito sa paningilan ng buwis.
Sinabi ni Hesus sa kanya, 
“Sumunod ka sa akin.” 
Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad 
ay nasa bahay ni Mateo, 
dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. 
At sila’y magkakasalong kumain. 
Nang makita ito ng mga Pariseo, 
tinanong nila ang kanyang mga alagad, 
“Bakit sumasalo sa mga publikano at 
mga makasalanan ang inyong guro? 
Narinig ito ni Hesus at siya ang sumagot, 
“Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, 
hindi ang mga walang sakit. 
Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito,
 ‘Habag ang ibig ko at hindi hain.’ 
Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, 
hindi ang mga banal.”
Preacher: Christel Mendoza
0 Comments

9/18/2020 0 Comments

Setyembre 18, 2020

​Lucas 8: 1-3
Biyernes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon,
nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon.
Nangangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita
tungkol sa paghahari ng Diyos.
Kasama niya ang Labindalawa,
at ilang babaing pinagaling niya
sa masasamang espiritu at mga karamdaman:
si Maria na tinatawag na Magdalena,
mula sa kanya’y pitong demonyo ang pinalayas;
si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; 
si Susana at marami pang iba.
Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan
ni Hesus at ng kanyang mga alagad.
Preacher: Luisa Valenzuela
0 Comments

9/16/2020 0 Comments

Setyembre 16, 2020

​Lucas 7: 31-35
Miyerkules ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon,
“Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon?
At ano ang nakakatulad nila?
Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa
at sumisigaw sa kanilang mga kalaro:

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta,
ngunit hindi kayo sumayaw!
Nanambitan kami,
ngunit hindi kayo tumangis!

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno
at hindi umiinom ng alak,
at sinasabi ninyo,
‘Inaalihan siya ng demonyo.’
Naparito naman ang Anak ng Tao,
na kumakain at umiinom tulad ng iba,
at sinasabi ninyo,
‘Masdan ninyo ang taong ito!
Matakaw at maglalasing
kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’
Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay
napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”
Preacher: Sr. Rita Rodriguez
0 Comments

9/14/2020 0 Comments

Setyembre 14, 2020

Juan 3: 13-17
Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal

Noong panahong iyon,
sinabi ni Hesus kay Nicodemo,
“Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba
mula sa langit — ang Anak ng Tao.”

At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang,
gayun din naman,
kailangang itaas ang Anak ng Tao,
upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan,
kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak,
upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak,
hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan,
kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
Preacher: Bro. Jojo David
0 Comments

9/11/2020 0 Comments

Setyembre 11, 2020

​Lucas 6: 39-42
Biyernes na Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon,
tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad nang patalinghaga: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag?
Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun.
Walang alagad na higit sa kanyang guro;
ngunit kapag lubusang naturuan,
siya’y magiging katulad ng kanyang guro.

“Ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid,
ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata.
Paano mo masasabi sa iyong kapatid,
‘Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’
gayong hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw!
Alisin mo muna ang tahila sa iyong mata,
at makakikita kang mabuti;
sa gayo’y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.”
Preacher: Maribel Viernes
0 Comments

9/9/2020 0 Comments

Setyembre 9, 2020

Lucas 6: 20-26
Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa mga alagad,
at kanyang sinabi,
“Mapalad kayong mga dukha,
sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!”
“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon,
sapagkat kayo’y bubusigin!”
“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon,
sapagkat kayo’y magagalak!”
“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan,
ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao,
at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman.
Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari,
sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit --
gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”
“Ngunit sa ba ninyong mayayaman ngayon,
sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!”
“Sa aba ninyong mga busog ngayon,
sapagkat kayo’y magugutom!”
“Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon,
sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”
“Sa aba ninyo,
kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao,
sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”

Preacher: Gina Abary
0 Comments
<<Previous

    Tagalog Daily Shots

    Ang inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos.

    Archives

    March 2021
    February 2021
    January 2021
    December 2020
    November 2020
    October 2020
    September 2020
    August 2020

    Categories

    All

    RSS Feed

Picture
Vertical Divider

Quick Links

Pray + Reflect
Reflections
​Weekly Guidelines
Watch + Listen
Daily Shots
Tagalog Daily Shots​
Communities
Pasig City
Pandacan, Manila
Quezon City
Tagaytay City
Cebu City
​Cagayan de Oro City
Centers
Tagaytay City
Pasig City
​Cebu City
News
Events
About Us
​Contact Us

Subscribe for updates

© 2021. Verbum Dei Philippines.