Verbum Dei Philippines
  • Home
  • Watch + Listen
  • Read
    • News
    • Feature Stories
    • Community Updates
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Center of Formation (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
  • Home
  • Watch + Listen
  • Read
    • News
    • Feature Stories
    • Community Updates
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Center of Formation (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
Search by typing & pressing enter

YOUR CART

11/30/2020 0 Comments

Nobyembre 30, 2020

​Mateo 4: 18-22
Kapistahan ni Apostol San Andres

Noong panahong iyon,
 sa paglalakad ni Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, 
nakita niya ang dalawang mangingisda, 
si Simon na tinatawag na Pedro, 
at ang kapatid niyang si Andres. 
Sila’y naghahagis ng lambat. 
Sinabi niya sa kanila, 
“Sumunod kayo sa akin, 
at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.” Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat 
at sumunod kay Hesus.

Nagpatuloy siya ng paglakad 
at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. 
Sila’y nasa bangka, 
kasama ang kanilang ama, 
at naghahayuma ng lambat. 
Tinawag din sila ni Hesus. 
Agad nilang iniwan ang bangka 
at ang kanilang ama, 
at sumunod kay Hesus.
Preacher: Ed Jose
0 Comments

11/27/2020 0 Comments

Nobyembre 27, 2020

​Lucas 21: 29-33
Biyernes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, 
sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad
 ang isang talinghaga: 
“Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punongkahoy. 
Kapag nagdadahon na ito, 
alam ninyong malapit na ang tag-araw. 
Gayun din naman, 
kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, 
malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos. 
Tandaan ninyo: 
magaganap ang lahat ng ito 
bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at ang lupa, 
ngunit ang salita ko’y hindi magkakabula”
Preacher: Chickie Locsin
0 Comments

11/25/2020 0 Comments

Nobyembre 25, 2020

​Lucas 21: 12-19
Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon,
sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, 
“Darakpin kayo’t uusigin. 
Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga 
upang litisin at ipabilanggo. 
At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari
at mga gobernador.
Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo 
tungkol sa akin. 
Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, 
huwag kayong mababalisa tungkol 
sa pagtatanggol sa inyong sarili; 
sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan 
at ng pananalitang hindi kayang tutulan 
o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. 
Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, 
mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. 
At ipapapatay ang ilan sa inyo. 
Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, 
ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. 
Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo 
ang buhay na walang hanggan.”
Preacher: Marichelle Ligon
0 Comments

11/23/2020 0 Comments

Nobyembre 23, 2020

​Lucas 21: 1-4
Lunes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, 
nang tumingin si Hesus, 
nakita niya ang mayayamang naghuhulog ng 
kanilang kaloob sa lalagyan nito sa templo.
 Nakita rin niya ang isang dukhang babaing 
balo na naghulog ng dalawang kusing.
 Ang wika ni Hesus, 
“Sinasabi ko sa inyo: 
ang dukhang balong iyon ay naghulog nang 
higit kaysa kanilang lahat. 
Sapagkat bahagi lang ng 
di na nila kailangan ang kanilang ipinagkaloob, 
ngunit ibinigay ng balong iyon 
na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”
0 Comments

11/20/2020 0 Comments

Nobyembre 20, 2020

​Lucas 19, 45-48
Biyernes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, 
pumasok si Hesus sa templo 
at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. 
Sinabi niya sa mga ito, 
“Nasusulat: 
‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.’ 
Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga magnanakaw.’”

Araw-araw, 
si Hesus ay nagtuturo sa loob ng templo. 
Pinagsikapan ng mga punong saserdote, 
ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan 
ng siya’y ipapatay. 
Subalit wala silang makitang paraan 
upang maisagawa ito, 
sapagkat taimtim na 
nakikinig sa kanya ang buong bayan.
Preacher: Lyn Geron
0 Comments

11/18/2020 0 Comments

Nobyembre 18, 2020

​Lucas 19: 11-28
Miyerkules ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, 
isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga sa mga 
nakarinig ng una niyang pangungusap. 
Ginawa niya ito sapagkat malapit na siya sa Jerusalem, 
at ang akala ng mga tao ay itatatag na ang kaharian ng Diyos. 
Sabi niya: 
“May isang mahal na taong nagtungo sa malayong lupain 
upang gawing hari at magbalik pagkatapos niyon. 
Bago siya umalis, 
tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin. 
Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang salaping ginto 
at sinabihan sila, 
‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa pagbabalik ko.’ 
Poot na poot naman sa kanya ang kanyang mga kababayan, 
kaya’t pagkaalis niya, 
nagsugo sila ng mga kinatawan upang sabihin sa kinauukulan: 
‘Ayaw naming maging hari ang taong ito!’

“Ngunit ginawa ring hari ang taong iyon. 
Umuwi siya pagkatapos, 
at ipinatawag ang mga aliping binigyan niya ng salaping ginto, 
upang malaman kung gaano ang tinubo ng bawat isa. 
Lumapit sa kanya ang una at ang sabi, 
‘Panginoon, ang salapi ninyong ginto ay nagtubo ng sampu.’ ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! 
Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay, 
pamamahalain kita sa sampung bayan.’ 
Lumapit ang ikalawa at ang sinabi, 
‘Panginoon, ang inyong salaping ginto ay nagtubo ng lima.’
 At sinabi niya sa kanya, 
‘Mamamahala ka sa limang bayan.’ 
Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, 
‘Panginoon, heto po ang inyong salaping ginto. 
Binalot ko po sa panyo at itinago. 
Natatakot po ako sa inyo, 
sapagkat napakahigpit ninyo; 
kinukuha ninyo ang hindi sa inyo, 
at inaani ang hindi ninyo inihasik.’ 
Sinagot siya ng kanyang panginoon, 
‘Masamang alipin! Sa salita ng mong iyan kita hahatulan. 
Alam mo palang ako’y mahigpit. 
Sinabi mo, kinukuha ko ang hindi sa akin 
at inaani ko ang hindi ko inihasik. 
Bakit hindi mo inilagay sa bangko ang aking salapi? 
Pagbabalik ko, sana’y may tinubo ang puhunang ito.’
 At sinabi niya sa mga naroroon, 
‘Kunin ninyo sa kanya ang salaping ginto, 
at ibigay sa may sampu.’ 
‘Panginoon, siya po’y mayroon nang sampung salaping ginto!’ 
wika nila. 
‘Sinasabi ko sa inyo: ang bawat mayroon ay bibigyan pa, 
ngunit ang wala, 
kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 
Tungkol naman sa mga kaaway kong aayaw na 
ako’y maghari sa kanila – 
dalhin ninyo dito at patayin sa harapan ko!’”

Pagkasabi nito, nagpauna si Hesus patungong Jerusalem.
Preacher: Francis Jerome Santos
0 Comments

11/16/2020 0 Comments

Nobyembre 16, 2020

Lucas 18: 35-43
Lunes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Malapit na si Hesus sa Jerico, 
at doo’y may isang lalaking bulag 
na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. 
Nang marinig nitong nagdaraan ang maraming tao, 
itinanong niya kung ano ang nangyayari. 
“Nagdaraan si Hesus na taga Nazaret,” sabi nila. 
At siya’y sumigaw, “Hesus, Anak ni David!
 Mahabag po kayo sa akin!” 
Sinaway siya ng mga nasa unahan,
 ngunit lalo pa niyang nilakasan ang sigaw: 
“Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!”
 Kaya’t tumigil si Hesus, 
at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. 
Inilapit nga ito at tinanong ni Hesus, 
“Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” 
“Panginoon, ibig ko po sana’y manumbalik ang aking paningin,” sagot niya. 
At sinabi ni Hesus, 
“Mangyari ang ibig mo! 
Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.” 
Noon din, nakakita siya at sumunod kay Hesus, 
at nagpasalamat sa Diyos. 
Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.
Preacher: Ed Jose 
0 Comments

11/13/2020 0 Comments

Nobyembre 13, 2020

​Lucas 17: 26-37
Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, 
sinabi nin Hesus sa kanyang mga alagad, 
“Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad 
sa kapanahunan ni Noe. 
Noon, ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, 
nag-aasawa, hanggang sa araw na
sumakay si Noe sa daong. 
Dumating ang baha at namatay silang lahat. 
Gayun din noong panahon ni Lot. 
Ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, 
namimili at nagbibili, 
nagtatanim at nagtatayo ng bahay. 
Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, 
umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. 
Gayun din sa pagdating ng Anak ng Tao.

“Sa araw na iyon,
ang nasa bubungan ay huwag nang
bumaba upang kunin ang kanyang mga
ari-arian sa loob ng bahay. 
Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. 
Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. 
Ang sinumang magsikap na iligtas ang 
kanyang buhay ay mawawalan nito; 
ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang 
buhay ay siyang makapagliligtas nito. 
Sinasabi ko sa inyo: may dalawang
 lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; 
kukunin ang isa at iiwan ang isa. 
May dalawang babaing magkasamang gumigiling; 
kukunin ang isa at iiwan ang isa. 
May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; 
kukunin ang isa at iiwan ang isa.” 
“Saan po, Panginoon?” 
tanong ng kanyang mga alagad. 
Sumagot siya, 
“Kung saan naroon ang mga bangkay, 
doon naman nagkakatipon ang mga buwitre.”
Preacher: Chickie Locsin
0 Comments

11/11/2020 0 Comments

Nobyembre 11, 2020

​Lucas 17: 11-19
Paggunita kay San Martin ng Tours, Obispo
Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem,
nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea.
Nang papasok na siya sa isang nayon,
siya’y sinalubong ng sampung ketongin.
Tumigil sila malayu-layo at humiyaw ng: 
“Hesus! Panginoon! 
Mahabag po kayo sa amin!” 
nang makita sila ay sinabi niya, 
“Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” 
At samantalang sila’y naglalakad, 
gumaling sila. 
Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, 
nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. 
Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. 
Ang taong ito’y Samaritano. 
“Hindi ba sampu ang gumaling?” 
tanong ni Hesus. “Nasaan ang siyam? 
Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos 
kundi ang dayuhang ito?” 
Sinabi sa kanya ni Hesus, 
“Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! 
Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”
Preacher: Marichelle Ligon
0 Comments

11/9/2020 0 Comments

Nobyembre 9, 2020

​Juan 2: 13-22
Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma

Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio,
kaya’t pumunta si Hesus sa Jerusalem.
Nakita niya sa templo ang mga nagbibili ng mga baka, 
mga tupa, at mga kalapati, at ang namamalit ng salapi. 
Gumawa siya ng isang panghagupit na lubid 
at ipinagtabuyang palabas ang mangangalakal, 
pati mga baka at tupa. 
Isinabong niya ang salapi ng mga namamalit 
at pinagtataob ang kanilang mga hapag. 
Sinabi niya sa mga nagbibili ng kalapati, 
“Alisin ninyo rito ang mga iyan!
 Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalala ng kanyang mga alagad na sinasabi sa Kasulatan,
 “Ang aking malasakit sa iyong bahay ay 
parang apoy na nag-aalab sa puso ko.”

Dahil dito’y tinanong siya ng mga Judio, 
“Anong tanda ang maibibigay mo 
upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” 
Tumugon si Hesus, 
“Gibain ninyo ang templong ito 
at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw.”
 Sinabi ng mga Judio, 
“Apatnapu’t anim na taon na 
ginawa ang templong ito, 
at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?”

Ngunit ang templong tinutukoy ni Hesus 
ay ang kanyang katawan. 
Kaya’t nang siya’y muling mabuhay, 
naalaala ng kanyang mga alagad 
na sinabi niya ito; 
at naniwala sila sa Kasulatan 
at sa mga sinabi ni Hesus.
Preacher: Sister Juvy Tenorio 
0 Comments
<<Previous

    Tagalog Daily Shots

    Ang inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos.

    Archives

    September 2021
    March 2021
    February 2021
    January 2021
    December 2020
    November 2020
    October 2020
    September 2020
    August 2020

    Categories

    All

    RSS Feed

Picture
Vertical Divider

Subscribe for updates

© 2025.  Verbum Dei Philippines.