12/30/2020 0 Comments Disyembre 30, 2020Lucas 2: 36-40
Ika-6 na Araw na Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang Noong panahong iyon, naroon sa templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem. Nang maisagawa ng mga magulang ni Hesus ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang batang si Hesus ay lumaking malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
0 Comments
Leave a Reply. |
Tagalog Daily ShotsAng inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos. Archives
September 2021
Categories |