Verbum Dei Philippines
  • Home
  • Watch + Listen
  • Read
    • News
    • Feature Stories
    • Community Updates
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Center of Formation (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
  • Home
  • Watch + Listen
  • Read
    • News
    • Feature Stories
    • Community Updates
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Center of Formation (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
Search by typing & pressing enter

YOUR CART

10/5/2020 0 Comments

Oktubre 6, 2020

Lucas 10: 25-37
Lunes ng Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Noong panahong iyon, may isang eskribang
lumapit kay Hesus upang siya’y subukin. 
“Guro,” aniya, “ano ang dapat kong gawin
upang magkamit ng buhay na walang hanggan?”
 Sumagot si Hesus, 
“Ano ang nakasulat sa Kautusan? 
Ano ang nababasa mo roon?”
 Tumugon siya, 
“‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, 
nang buong lakas, 
at nang buong pag-iisip’; 
at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’” 
“Tama ang sagot mo,” wika ni Hesus. 
“Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”

Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, 
tinanong niya uli si Hesus, 
“Sino naman ang aking kapwa?” 
Sumagot si Hesus: 
“May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. 
Hinarang siya ng mga tulisan, 
kinuha pati damit sa katawan, 
binugbog at halos patay na nang iwan. 
Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote 
at pagkakita sa taong nakahandusay, 
siya’y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad.
 Dumaan din ang isang Levita, 
ngunit tiningnan lamang niya ito 
at nagpatuloy ng kanyang lakad. 
Ngunit may isang Samaritanong 
naglalakbay na naparaan doon. 
Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. 
Lumapit siya, binusan ng langis 
at alak ang mga sugat nito at tinalian. 
Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, 
dinala sa bahay-panuluyan, 
at inalagaan doon. 
Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, 
ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, 
‘Alagaan mo siya, at kung magkano man 
ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’
Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa
​sa taong hinarang ng mga tulisan?” 
tanong ni Hesus. 
“Ang nagpakita ng habag sa kanya,”
 tugon ng eskriba. 
Sinabi sa kanya ni Hesus, 
“Humayo ka’t gayun din ang gawin mo.”
Preacher: Francis Jerome Santos
0 Comments



Leave a Reply.

    Tagalog Daily Shots

    Ang inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos.

    Archives

    September 2021
    March 2021
    February 2021
    January 2021
    December 2020
    November 2020
    October 2020
    September 2020
    August 2020

    Categories

    All

    RSS Feed

Picture
Vertical Divider

Subscribe for updates

© 2026.  Verbum Dei Philippines.