Verbum Dei Philippines
  • Home
  • Watch + Listen
  • Pray + Reflect
  • News & Events
    • News
    • Events
  • Locations
    • Communities >
      • Pasig City
      • Pandacan, Manila
      • Quezon City
      • Tagaytay City
      • Cebu City
      • Cagayan de Oro City
    • Centers >
      • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
      • Verbum Dei Apostolate Center (Pasig City)
      • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
  • Home
  • Watch + Listen
  • Pray + Reflect
  • News & Events
    • News
    • Events
  • Locations
    • Communities >
      • Pasig City
      • Pandacan, Manila
      • Quezon City
      • Tagaytay City
      • Cebu City
      • Cagayan de Oro City
    • Centers >
      • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
      • Verbum Dei Apostolate Center (Pasig City)
      • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
Search by typing & pressing enter

YOUR CART

12/30/2020 0 Comments

Disyembre 30, 2020

​Lucas 2: 36-40
Ika-6 na Araw na Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

Noong panahong iyon, 
naroon sa templo ang isang propetang babae 
na ang pangalan ay Ana, 
anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. 
Siya’y napakatanda na. 
Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, 
nang siya’y mabalo. 
At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. 
Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos 
sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. 
Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. 
Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus 
sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.

Nang maisagawa ng mga magulang ni Hesus 
ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, 
bumalik na sila sa kanilang bayan, 
sa Nazaret, Galilea. 
Ang batang si Hesus ay lumaking malakas, 
marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
0 Comments

12/28/2020 0 Comments

Disyembre 28, 2020

​Mateo 2: 13-18
Kapistahan ng mga Banal na Sanggol na Walang Kamalayan, Mga Martir

Pagkaalis ng mga Pantas, 
napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon.
 Sinabi sa kanya, 
“Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. 
At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, 
sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.” 
Kaya dali-daling bumangon si Jose 
at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto ang mag-ina. 
Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon 
sa pamamagitan ng propeta, 
“Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.”

Galit na galit si Herodes nang malamang
 siya’y napaglalangan ng mga Pantas. 
Kaya’t ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem 
at mga palibot na pook –
 lahat ng may gulang na dalawang tao pababa, 
alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala 
na natiyak niya sa mga Pantas.

Sa gayo’y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias:
“Narinig sa Rama ang malakas na panaghoy.
Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.
Hindi siya maaliw sa tindi ng kalungkutan dahil sa pagkamatay nila.”
Preacher: Ed Jose
0 Comments

12/25/2020 0 Comments

Disyembre 25, 2020

Juan 1: 1-18
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. 
Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.
Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. 
Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, 
at walang anumang nalikha 
nang hindi sa pamamagitan niya. 
Mula sa kanya ang buhay, 
at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 
Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, 
at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Ang tunay na ilaw na tumatanglaw 
sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha 
ang sanlibutan sa pamamagitan niya 
ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. 
Naparito siya sa kanyang bayan 
ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.
​Ngunit ang lahat ng tumanggap 
at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya 
ng karapatang maging anak ng Diyos. 
Sila nga’y naging anak ng Diyos, 
hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, 
ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. 
Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita 
at siya’y nanirahan sa piling natin. 
Nakita namin ang kanyang kapangyarihan
 at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. 
Tinanggap niya mula sa Amta ang kapangyarihan 
at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.
Preacher: Chickie Locsin
0 Comments

12/23/2020 0 Comments

Disyembre 23, 2020

​Lucas 1: 57-66
Ika-23 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, 
at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. 
Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay 
at mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, 
at nakigalak sila sa kanya.

Nang ikawalong araw, 
dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. 
Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya – 
gaya ng kanyang ama – 
ngunit sinabi ng kanyang ina, 
“Hindi! Juan ang ipangangalan sa kanya.” 
“Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak 
ang may ganyang pangalan,” wika nila. 
Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama 
at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol.
Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: 
“Juan ang kanyang pangalan.” 
At namangha silang lahat. 
Pagdaka’y nakapagsalita siya 
at nagpuri sa Diyos.
Natakot ang lahat ng kanilang kapit-bahay, 
anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan 
ng Judea ang mga bagay na ito.
Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam
at ang kanilang tanong:
“Magiging ano nga kaya ang batang ito?”
Sapagkat maliwanag
na sumasakanya ang Panginoon.
Preacher: Marichelle Ligon
0 Comments

12/21/2020 0 Comments

Disyembre 21, 2020

Lucas 1: 39-45
Ika-21 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Si Maria’y nagmamadaling pumunta 
sa isang bayan sa kaburulan ng Judea. 
Pagdating sa bahay ni Zacarias, 
binati niya si Elisabet. 
Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, 
naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. 
Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, 
at buong galak niyang sinabi, 
“Bukod kang pinagpala sa babaing lahat
 at pinagpala naman ang iyong dinadalang anak! 
Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?
Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati 
ay naggagalaw sa tuwa
 ang sanggol sa aking tiyan. 
Mapalad ka sapagkat 
nanalig kang matutupad 
ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!
Preacher: Ed Jose
0 Comments

12/18/2020 0 Comments

Disyembre 18, 2020

Mateo 1, 18-24
Ika-18 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. 
Si Maria na kanyang ina at si Jose 
na nakatakda nang pakasal. 
Ngunit bago sila nakasal, 
si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. 
Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Isang taong matuwid itong si Jose 
na kanyang magiging asawa, 
ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, 
kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, 
napakita sa kanya sa isang panaginip 
ang isang anghel ng Panginoon. S
abi nito sa kanya,
 “Jose, anak ni David, 
huwag kang matakot na tuluyang
​pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi 
sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 
Manganganak siya ng isang lalaki 
at ito’y pangangalanan mong Hesus,
 sapagkat siya ang magliligtas 
sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito 
upang matupad ang sinabi 
ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:
“Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki,
At tatawagin itong “Emmanuel,”
ang kahuluga’y
 “Kasama natin ang Diyos”.

Nang magising si Jose,
 sinunod niya ang utos ng anghel 
ng Panginoon; 
pinakasalan niya si Maria. 
Ngunit hindi ginalaw ni Jose 
si Maria hanggang sa 
maipanganak nito ang isang 
sanggol na lalaki na pinangalanan niyang Hesus.
Preacher: Maribel Viernes
0 Comments

12/16/2020 0 Comments

Disyembre 16, 2020

Lucas 7: 19-23
Miyerkules ng Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Noong panahong iyon, 
tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad
at pinapunta sa Panginoon upang itanong, 
“Kayo po ba ang paririto, 
o maghihintay pa kami ng iba?”
 Pagdating nila kay Hesus ay kanilang sinabi, “Pinaparito po kami ni Juan Bautista 
at ipinatatanong kung kayo ang paririto 
o maghihintay pa kami ng iba.” 
Nang mga sandaling yaon ay maraming pinagaling si Hesus: 
mga pinahihirapan ng karamdaman, 
at mga inaalihan ng masasamang espiritu.
Ipinagkaloob niyang makakita ang mga bulag. 
Sinabi niya sa kanila pagkatapos, 
“Bumalik kayo kay Juan at sabihin 
ang inyong nakita at narinig: 
nakakikita ang mga bulag, 
nakalalakad ang mga pilay, 
gumagaling ang mga ketongin, 
nakaririnig ang mga bingi, 
muling nabubuhay ang mga patay, 
at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
​Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”
Preacher: Francis Jerome Santos
0 Comments

12/14/2020 0 Comments

Disyembre 14, 2020

Mateo 21: 23-27
Paggunita kay San Juan de la Cruz, Pari at Pantas ng Simbahan
Lunes sa Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Noong panahong iyon, 
pumasok si Hesus sa templo. 
Samantalang nagtuturo siya, 
lumapit sa kanya ang mga punong saserdote
 at ang matatanda ng bayan at siya’y tinanong, 
“Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? 
Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?”
Sumagot si Hesus, 
“Tatanungin ko rin kayo. 
Kapag sinagot ninyo ako, 
saka ko naman sasabihin sa inyo 
kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito.
 Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – 
sa Diyos ba o sa tao?” 
At sila’y nagusap-usap: 
“Kung sabihin nating mula sa Diyos, 
sasabihin naman niya sa atin, 
‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ 
Ngunit kung sabihin nating mula sa tao 
baka naman kung ano ang gawin sa atin ng bayan,
​sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta.” 
Kaya’t sumagot sila kay Hesus, 
“Hindi namin alam!”
 Sinabi niya, 
“Hindi ko rin sasabihin sa inyo 
kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginagawa ko.”
Preacher: Ed Jose
0 Comments

12/11/2020 0 Comments

Disyembre 11, 2020


​​Mateo 11: 16-19
Biyernes sa Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Noong panahong iyon, 
sinabi ni Hesus sa mga tao, 
“Sa ano ko nga ihahambing ang tao ngayon? 
Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa 
at sumisigaw sa kanilang mga kalaro,
 ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, 
ngunit hindi kayo sumayaw! 
Nanambitan kami, 
ngunit hindi kayo tumangis!’ 
Sapagkat naparito si Juan 
na nag-aayuno at di umiinom ng alak, 
at sinasabi nila,
 ‘Inaalihan siya ng demonyo!’ 
Naparito rin ang Anak ng Tao, 
na kumakain at umiinom, 
at sinasabi naman nila, 
‘Masdan ninyo ang taong ito!
 Matakaw at maglalasing, 
kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos 
ay napatutunayang tama 
sa  pamamagitan ng kanyang mga gawa.”
Preacher: Chickie Locsin
0 Comments

12/9/2020 0 Comments

Disyembre 09, 2020

​Mateo 11: 28-30
Miyerkules sa Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Noong panahong iyon, 
sinabi ni Hesus: 
“Lumapit kayo sa akin, 
kayong lahat na napapagal 
at nabibigatan sa inyong pasanin, 
at kayo’y pagpapahingahin ko.
 Pasanin ninyo ang aking pamatok, 
at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo 
at mababang-loob 
at makasusumpong kayo 
ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. 
Sapagkat maginhawang dalhin 
ang aking pamatok, 
at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”
Preacher: Marichelle Ligon
0 Comments
<<Previous

    Tagalog Daily Shots

    Ang inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos.

    Archives

    March 2021
    February 2021
    January 2021
    December 2020
    November 2020
    October 2020
    September 2020
    August 2020

    Categories

    All

    RSS Feed

Picture
Vertical Divider

Quick Links

Pray + Reflect
Reflections
​Weekly Guidelines
Watch + Listen
Daily Shots
Tagalog Daily Shots​
Communities
Pasig City
Pandacan, Manila
Quezon City
Tagaytay City
Cebu City
​Cagayan de Oro City
Centers
Tagaytay City
Pasig City
​Cebu City
News
Events
About Us
​Contact Us

Subscribe for updates

© 2021. Verbum Dei Philippines.