Verbum Dei Philippines
  • Home
  • Watch + Listen
  • News
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
  • Home
  • Watch + Listen
  • News
  • Events
  • Communities
    • Pasig City
    • Quezon City
    • Pandacan, Manila
    • Tagaytay City
    • Cebu City
    • Cagayan de Oro City
  • Centers
    • Verbum Dei Center (Tagaytay City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Pasig City)
    • Verbum Dei Apostolate Center (Cebu City)
  • About
    • About Us
    • Our Spirituality
    • Our Founder
  • Contact
Search by typing & pressing enter

YOUR CART

2/1/2021 0 Comments

Pebrero 1, 2021

​Marcos 5: 1-20
Lunes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Noong panahong iyon, 
dumating sina Hesus at ang mga alagad sa ibayo ng lawa, 
sa lupain ng mga Geraseno. 
Pagkababa ni Hesus sa bangka, 
siya’y sinalubong ng isang lalaking galing sa libingan. 
Ang lalaking ito’y inaalihan ng masamang espiritu 
at sa libingan naninirahan. 
Hindi siya maigapos nang matagal, 
kahit tanikala ang gagamitin. 
Malimit siyang ipangaw at gapusin ng tanikala, 
ngunit pinaglalagut-lagot niya ito 
at pinagbabali-bali ang pangaw. 
Talagang walang makasupil sa kanya. 
Araw-gabi’y nagsisisigaw siya sa libingan 
at sa kaburulan, 
at sinusugatan ng bato ang kanyang sarili.

Malayo pa’y natanawan na niya si Hesus. 
Siya’y patakbong lumapit 
at nagpatirapa sa harapan niya, 
at sumigaw nang malakas, 
“Hesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, 
ano ang pakialam mo sa akin? 
Huwag mo akong pahirapan, alang-alang sa Diyos!” 
Sinabi niya ito, sapagkat iniutos sa kanya ni Hesus, 
“Masamang espiritu, 
lumabas ka sa taong ito!” 
Tinanong siya ni Hesus, 
“Ano ang pangalan mo?” 
“Pulutong, sapagkat marami kami,” tugon niya. 
At mahigpit nilang ipinakiusap 
kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.

Doon naman sa libis ng bundok 
ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain. 
Nagmakaawa kay Hesus ang masasamang espiritu na ang wika, 
“Papasukin mo na lang kami sa mga baboy.” 
At sila’y pinahintulutan niya. 
Lumabas sa tao ang masasamang espiritu 
at pumasok nga sa mga baboy. 
Ang kawan, na may dalawanlibo, 
ay sumibad ng takbo tungo 
sa pampang ng lawa, nahulog sa tubig at nalunod.

Nagtatakbo ang mga tagapag-alaga 
ng kawan at ipinamalita ito sa bayan at sa mga nayon; 
kaya’t pumaroon ang mga tao upang tingnan 
kung ano nga ang nangyari. 
Paglapit nila kay Hesus ay nakita 
nila ang lalaking inalihan ng mga demonyo. 
Nakaupo ito, may damit at matino na ang isip. 
At sila’y natakot. 
Isinalaysay sa kanila ng mga nakakita 
ang nangyari sa inalihan ng mga demonyo 
at ang sinapit ng mga baboy. Kaya’t ipinamanhik 
nila kay Hesus na umalis sa kanilang lupain.

Nang sumasakay na si Hesus sa bangka, 
nakiusap ang inalihan ng mga demonyo na isama siya, 
ngunit hindi pumayag si Hesus. 
Sa halip ay sinabi niya, 
“Umuwi ka at sabihin mo sa iyong mga kasambahay 
ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon, 
at kung paanong nahabag siya sa iyo.” 
Umalis ang taong iyon at ipinamalita 
sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Hesus. 
At nanggilalas ang lahat ng nakarinig niyon.
Preacher: Maria Cristina Desilos
0 Comments



Leave a Reply.

    Tagalog Daily Shots

    Ang inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos.

    Archives

    September 2021
    March 2021
    February 2021
    January 2021
    December 2020
    November 2020
    October 2020
    September 2020
    August 2020

    Categories

    All

    RSS Feed

Picture
Vertical Divider

Subscribe for updates

© 2022.  Verbum Dei Philippines.