1/15/2021 0 Comments Enero 15, 2020Marcos 2: 1-12 Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Noong panahong iyon, bumalik si Hesus sa Capernaum, at kumalat ang balitang siya’y nasa kanyang tahanan. Kaya’t nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Hesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, kaya’t binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.” May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: “Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?” Talos ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, ‘Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan ay lumakad ka’? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” Sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!” Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila’y pawang nanggigilalas at nagpuri sa Diyos. “Hindi pa kami nakakikita ng ganito!” sabi nila. Preacher: Lyn Geron
0 Comments
1/13/2021 0 Comments Enero 13, 2020Marcos 1: 29-39 Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Noong panahong iyon, mula sa sinagoga, si Hesus ay nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres. Kasama niya sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Hesus. Nilapitan ni Hesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, dinala kay Hesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya. Madaling-araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at kanyang mga kasama. Nang siya ay matagpuan, sinabi nila, “Hinanap po kayo ng lahat.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makaparangal ako roon – ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum.” At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo. Preacher: Christel Mendoza
1/11/2021 0 Comments Enero 11, 2021Marcos 1: 14-20 Lunes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito.” Samantalang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea , nakita niya ang magkapatid na Simon at Andres na naghahagis ng lambat, “Sumama kayo sa akin at kayo’y gagawin kong mamamalakaya ng tao.” Pagdaka’y iniwan nila ang kanilang lambat, at sumunod sa kanya. Nagpatuloy siya ng paglakad, at sa di kalayuan ay nakita niya ang magkapatid sa Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa kanilang bangka at naghahayuma ng mga lambat. Tinawag din sila ni Hesus at sumunod naman sa kanya. Iniwan nila sa bangka ang kanilang ama, kasama ng mga taong upahan. Preacher: Francis Jerome Delos Santos
1/8/2021 0 Comments Enero 8, 2020Lucas 5: 12-16 Biyernes kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon Noong si Hesus ay nasa isang bayan, isang lalaking ketongin ang lumapit sa kanya. Pagkakita ng ketongin sa kanya, ito’y nagpatirapa at namanhik sa kanya. “Ginoo, kung ibig po ninyo, ako’y inyong mapagagaling.” Hinipo siya ni Hesus at ang sabi, “Ibig ko; gumaling ka!” Pagdaka’y nawala ang kanyang ketong. At pinagbilinan siya ni Hesus: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa saserdote at pasuri. Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na.” Ngunit lalo pang kumalat ang balita tugkol kay Hesus, kaya’t dumagsa ang napakaraming tao upang makinig at magpagamot sa kanya. At si Hesus ay laging nagpupunta sa ilang na pook at nananalangin. Preacher: Chickie Locsin
1/6/2021 0 Comments January 06th, 2021Marcos 6: 45-52 Miyerkules kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon Matapos mapakain ang limang libong lalaki, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samatalang si Hesus ay nag-iisa sa katihan. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip. Preacher: Marichelle Ligon
1/4/2021 0 Comments Enero 4, 2021Mateo 4, 12-17. 23-25 Lunes kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon Noong panahong iyon, nabalitaan ni Hesus na ibinilanggo si Juan, kaya’t bumalik siya sa Galilea. Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan kundi sa Capernaum. Ang bayang ito’y nasa baybayin ng Lawa ng Galilea, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali. Sa gayo’y natupad ang sinabi ni propeta Isaias: “Ang lupain ng Zabulon at lupain ng Neftali – daanan sa gawing dagat sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil! Itong bayang nag-apuhap sa gitna ng kadiliman sa wakas ay nakakita ng maningning niyang ilaw! Liwanag na taglay nito’y siya ngayong tumalanglaw sa lahat ng nalugami sa lilim ng kamatayan!” Magmula noon ay nangaral na si Hesus. Ang sabi niya, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos.” Nilibot ni Hesus ang buong Galilea. Nagtuturo sa mga sinagoga at ipinangangaral ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang mga tao sa kanilang mga sakit at karamdaman. Siya’y nabantog sa buong Siria kaya’t dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga pinahihirapan ng iba’t ibang karamdaman: mga inaalihan ng mga demonyo, mga himatayin, mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. At sinundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, Decapolis, Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan. Preacher: Luisa Valenzuela
1/1/2021 0 Comments Enero 1, 2020Lucas 2: 16-21 Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Noong panahong iyon: Nagmamadali ang mga pastol na lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel. Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi. Preacher: Lyn Geron
12/30/2020 0 Comments Disyembre 30, 2020Lucas 2: 36-40
Ika-6 na Araw na Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang Noong panahong iyon, naroon sa templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem. Nang maisagawa ng mga magulang ni Hesus ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang batang si Hesus ay lumaking malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. 12/28/2020 0 Comments Disyembre 28, 2020Mateo 2: 13-18 Kapistahan ng mga Banal na Sanggol na Walang Kamalayan, Mga Martir Pagkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, “Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.” Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.” Galit na galit si Herodes nang malamang siya’y napaglalangan ng mga Pantas. Kaya’t ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook – lahat ng may gulang na dalawang tao pababa, alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga Pantas. Sa gayo’y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: “Narinig sa Rama ang malakas na panaghoy. Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak. Hindi siya maaliw sa tindi ng kalungkutan dahil sa pagkamatay nila.” Preacher: Ed Jose
12/25/2020 0 Comments Disyembre 25, 2020Juan 1: 1-18 Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan. Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos. Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Amta ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak. Preacher: Chickie Locsin
|
Tagalog Daily ShotsAng inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos. Archives
September 2021
Categories |